Friday, October 5, 2012

Mag-exercise tayo tuwing umaga!

Isa ako sa mga health conscious na tao sa balat ng earth at gagawin ang lahat upang masunog ang naglalaylayang taba na tipong belt ko na sa aking tiyan. Malapit lang naman ang tinutuluyan ko sa luneta at hindi ako natatakot lumabas mag-isa pag sobrang dilim except na lang kapag 11 ng gabi hanggang 4:30 ng madaling araw dahil bawal pa lumabas sa amin nun.

Nagising ako lagi ng 4:30 am upang maghilamos ng mukha at magtooth brush. Wala pang gising ng ganitong oras kundi ang mga guard, 7-eleven, at ilang sundalo/pmma/rotc students na nagjojogging ng kay aga. Dala-dala ang isang bote ng mineral water, susi, face towel, at maliit na halaga ng pocket money. I geared up na rin ang gasgas kong rubber shoes at ang 'jogging pants na pang-hayskul ko' na ginamit ko noong 2 days before, ay ready na ang lola niyo. Nilakad ko muna ang daan para malampasan ang 7-11 at mcdo para hindi halata na mag-jjogging, kunwari bibili lng ng pandesal.

 Anyway, sinimulan ko nang tahakin ang mahabang daan papuntang luneta sa pag jog at sprint. Hingal kabayo na ako pero salamat sa maxx menthol, mas madali ako maka-recover. 20 minutes lng ginugol ko upang makarating sa luneta, Anlamig at presko. Wala pang gaanong sasakyan na dumadaan kaya di pa mausok sa tabi ng kalsada. Marami na akong nasabayan na nagjjogging. Sa Luneta may mga athlete, boxingero, health conscious people, nagppractice ng kungfu, yoga, aerobics at marami pang iba. Hindi siya sobrang crowded kaya enjoy ko sarili ko. Ayoko kasi pag maraming tao eh.

Nariyan rin ang kantang ..
 "Mag-exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga, tuwing umaga" ang sabi ni Yoyoy Villame na maari mo ring marinig sa mga speaker na nakatago ng luneta.

Nag-sprint pa ako ng 2 beses paikot ng Luneta. Masarap talaga at sulit iyon. Basang-basa na likod ko ng pawis kaya napagpasiyahan kong umuwi na.
Laging tandaan na ang pag-eexercise ay hindi sinusukat kung gaano katagal ginagawa instead sinusukat ito kung gaano katindi ka mag-exercise. (Intensity yun!)

Isang oras lang ang morning exercise ko o kaya bago mag-6 am kailangan nakauwi na ako dahil maypasok pa ako ng 7:30 am. Nagpalit ako ng damit, uminom ng tubig, nagpahinga at sabay tulog. Magising man ako ng 7 am ay bahala na si Batman!??..

No comments:

Post a Comment