Friday, October 5, 2012

Beep, beep, beep - estudyante lng po! (Bus Review)

Masarap bumiyahe lalo na pag hindi traffic at lalong lalo na kapag komportable ka sa sasakyang sinasakyan mo. Ako ay isang ordinaryong estudyante ng Maynila at kapag may oras ako para umuwi ay ginagawa ko. Well, ang hirap kaya ma-homesick. Mahirap bumiyahe lalo na pag maaga o di kaya peak hours at rush hours. Sobra ang traffic kapag umuulan dahil andyan ang baha lalo sa maynila.

 Kalimitan sa mga bus na sinasakyan ko ay ang San Agustin, Star Liner, at Dionets Liner. Pero mas trip ko sa Star Liner at Dionets Liner dahil walang ipis at hindi ganun kadumi, di tulad ng iba.

 - Wala talaga akong masyadong reklamo sa Star Liner tungkol sa kalinisan ngunit ang problema nga lang ay ang mga upuan na halos di ka magkasya lalo dahil kalahati o 1/4 ng pwet mo ay malalaglag na kung malapit ka sa mga standing na pasahero. May ilan ding konduktor na suplado o mas masungit pa kaysa mga babaeng may buwanang dalaw. Pero ok lng yun.
- Ang Dionets Liner ang isa sa komportableng bus dahil malinis na at maluwag pa ang upuan (tig-dadalawa bawat side). Para kang nasa fieldtrip lng na bus pero ang downside nga lang ay ang bagal ng usad. Para lng ito sa mga taong di mahilig magmadali at gustong komportable at enjoyin ang byahe.
- Sa San Agustin naman, maswerte ka kung makasakay ka sa bus na malinis kasi mas kalimitan sa mga bus na bumibyahe sa mas malayong lugar (e.g Lian) ay madumi at may maliliit na ipis.
 - Ang Lorna Express na bus ay matatagpuan malapit sa Intramuros (malapit sa Letran) na naghihintay ng pasahero at hindi aalis hangga't di napupuno dahil dun siya parang nakaterminal. Ayokong sumakay jan except k ung no choice na dahil rush hour. Bakit? Kasi amoy pugo, mani, chicharon at halo-halong amoy na di ko maintindihan kung masusuka ba ako o hindi. Andyan din ang nagsisigapang na maliliit na ipis sa may upuan, sa gilid at lalong-lalo na kung nakapwesto ka sa likod. Rare lang makatagpo ng Lorna Express na malinis at hindi tagpi-tagpi ang upuan.
 - Ang Cavite-Batangas naman ay gaya rin ng Lorna Express bus pero hindi ganun kalala "Medyo lang".
- Eto namang Erjohn and Almark bus ay hindi halos pabyahe ng maynila dahil karaniwan itong bumiyabyahe sa makati. Malinis naman siya at isa din sa maayos na bus.
- Ang Don Aldrin bus ay isa sa pinakadelikadong bus na pwede mong masakyan lalo na kung standing ka. Wala silang pakialam sa mga standing na pasahero kung maaksidente. Walang hawakan kapag nakatayo ka at pupunuin pa nila ang bus as in "overload" yung tipong nakasakay ka sa lrt kapag punuan. May kaibigan akong tinakbo sa ospital dahil nabalian mula sa pagkabagsak niya sa unahan sa sobrang lakas ng preno dahil sugapa sa pasahero ang Don Aldrin bus. Maaring may mga taong magsabi na okey naman ang bus na ito pero pag nasa manila ka lng dahil huhulihin sila, pero pag nasa provincial places pa ang byahe nito ay punuan talaga. Maraming pasahero ang umaangal sa systema ng bus na ito.

In short, ang the best para sa akin ay ang starliner, dionets liner, at ang erjohn and almark. Hindi safe sa Don Aldrin bus, promise!!..

No comments:

Post a Comment