Ang Simbahan ng San Agustin ay kinikilala na isa sa mga pinakamatandang simbahan na nakatayo pa rin hanggang ngayon. Sa paglipas ng panahon at taon, ang ilang mahahalagang bagay ay na-preserba kasama ang ilang bagay na maituturing na naging parte ng kasaysayan. Ang mga bagay na ito ay naisayos at nakalagak sa Museo ng San Agustin.
Sa pagpasok sa Museo ng San Agustin ay bubungad ang malaking kampana na humigit kumulang ay 3,400 kg. Sa Sala Recibidor matatagpuan ang ilang santo, ang Retablo na gawa sa Molave na halos noong ika-8 century, ang mga relikaryo, sagrario at ang krus na halos gawa rin sa mga mahahaling bato. Sa aking paglalakad sa korridor ay napansin ko ang ilang obra ng ilang Pilipinong pintor gaya nila Enriquez, Fuster at ilan pa na nagpapakita ng ilang santo at mga paring Augustinian. Sa Sala Capitualacion ay nakalagay ang mga kasangkapan, statwa, mga paraphernalia at artifacts pati na rin ang pagpapakita ng buhay at paglalakbay ni Urdaneta. Sa unang palapag rin makikita ang libingan ng mga pari. Mga paring nagsilbi at naging parte na rin ng kasaysayan ng San Agustin.
Sa aking pagpanhik sa ikalawang palapag ay aking tinungo Claustro de San Pablo. Naroroon ang lamesang ginagamit tuwing may pulong at ang maliit na modelo ng Simbahan ng San Agustin pati ang Museo. Sa San Agustin Hall matutunghayan ang mga simbahang pinatayo ng Agustinians kasama na rin ang mga Diksyunarong isinulat nila. Sa isang kwarto nakalagak ang mga porselanang nahukay at natagpuan sa San Agustin. Nilibot ko ang paningin at tinungo ang Oratorio. Nakapukaw pansin sa akin ang isang malaking organ at ang isang librong nagsasaad ng awiting pangsimbahan na nakasulat sa mga salitang hindi ko maintindihan. Bago ako bumaba ay pinasok ko ang kwartong puno ng mga nakakahangang kasuotan ng mga pari. Ito ay pinapalamutian rin ng ilang mahahaling bato. Lumabas ako at nagpunta sa isang hardin. Napag-alaman ko na ito ay pinanganga lagaan ng isang kilalang pari na si Fr. Blanco.
Tunay ngang kahanga-hanga ang San Agustin. Naging kapakipakinabang ang aking pagtungo dito at marami akong natutunan. Bihis ng iba-ibang panahon ay nagkaroon ako ng pag-asang matunghayan ang mga bagay na ito kahit na hindi ko man nakuhang makita ng husto ang ilang kwarto dahil sa restriksyon ay masaya pa rin akong nagtungo ako dito.
No comments:
Post a Comment